Wala pa namang namo-monitor na banta sa idaraos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na idaraos sa Lunes, July 25.

Ito ang tiniyak ni Col. Vic Tomas, acting commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force National Capital Region (NCR).

“But we continue to be very vigilant and the hardening of areas which we consider soft will continue,” ani Tomas.

Tuluy-tuloy ang pagrepaso sa security plan para sa SONA, kung saan susundin umano nila ang kagustuhan ng Pangulo na gawing simple at normal lamang ito.

National

Atom Araullo, panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz

“The forces that will be deployed, the complete numbers, will be on July 20. We already requested for coordination with the House of Representatives and the Presidential Security Group (PSG) regarding that,” dagdag pa ni Tomas.

Sa kabila ng simple at normal na seguridad, sisiguruhin umano nilang magiging sapat ito para i-secure ang mga VIP. - Francis T. Wakefield