Pitbull
Pitbull
PINARANGALAN ang sikat na rapper na si Pitbull ng star sa Hollywood Walk of Fame noong Biyernes at sinabi na ang karangalan ay bunga ng kanyang sipag at tiyaga.

“To be up here, it just goes to show what happens when you focus, when you work hard, when you believe in yourself, when you go against all odds,” sabi ng 35-year-old singer sa pagtanggap ng pang-2,584 star sa isang seremonya.

Sinabi rin niya na hindi pera ang kanyang motibasyon para magtagumpay, kundi “about coming from nothing to something.”

“It’s about being the prime example of what the American dream is and what it embodies,” dagdag niya.

Neri Naig, pinalaya ng korte —lawyer

Si Pitbull, na Armando Christian Perez ang tunay na pangalan, ay nagkahilig sa pagra-rap nang magtapos sa high school at simula noon ay mabilis na nakilala, nakapagbenta ng mahigit 70 million na single at six million na album. Mayroon din siyang mahigit 9 billion YouTube views sa kanyang mga video.

Inilabas niya ang kanyang unang album na M.I.A.M.I noong 2014, na sinundan ng iba pang albums kabilang ang El Mariel noong 2016, at The Boatlift noong 2007.

Ang kanyang 2011 na album naman na Armando ay inilabas na Spanish bilang pagbibigay ng respeto at pagkilala sa kanyang yumaong ama.

Napili ang rapper ng FIFA, soccer’s international governing body, at Sony Records para sulatin at i-record ang opisyal na kanta ng 2014 World Cup na We Are One (Ole Ola) kasama sina Jennifer Lopez at Claudia Leitte.

Ngayong taon, nanalo siya ng Grammy bilang best Latin rock, urban o alternative album para sa Dale, at noong 2013 nakibahagi siya sa Latin Grammy kasama si Papayo para sa best urban performance sa Echa Pa’lla (Manos Pa’rriba).” - MB Entertainment

(Isinalin ni Adrianne Diaz)