Target ng Philippine Under 19 Girls volleyball team na makausad sa kampeonato sa pakikipagtuos sa Vietnam sa cross-over semi-finals Martes ng gabi sa 19th Princess Cup Southeast Asian Women’s Under-19 Championship sa Sisaket, Thailand.

Una munang maghaharap para sa hiwalay na semis match ang powerhouse Thailand na nanguna sa Group A at ang pumangalawa sa Group B na Indonesia sa 4:00 ng hapon, bago sundan ng salpukan sa pagitan ng nanguna sa Group B na Vietnam kontra sa Group A runner-up Philippines sa 6:00 ng gabi.

Nabigo ang Pinay belles sa Thais, 14-25, 23-25 , 25-16, sa pagtatapos ng elimination round Lunes ng gabi.

Winalis ng Vietnam ang lahat ng tatlo nitong laro sa Pool B.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nasungkit ng Pilipinas ang isang silya sa semifinals matapos talunin ang Singapore, 25-9, 25-14 at 25-23 noong Sabado, bago pinayukod ang New Zealand, 25-23, 25-13, 17-25, 25-17.

Tiwala si team manager Peter Cayco na maisasalba ng koponan ang laban.

“Our team needs all the help it could get, even prayers,” pahayag ni Cayco. - Angie Oredo