ZARAGOZA, Nueva Ecija - Dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng isang 42-anyos na tricycle driver na natagpuang nakabulagta sa gitna ng bukid sa hangganan ng Barangays Macarse at Mayamot sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ng Zaragoza Police ang bangkay na kay Edsel Doblado y Esteban, may asawa, tricycle driver, residente ng Bgy.Concepcion East, na iniulat na nawawala dakong 9:30 ng gabi nitong Hulyo 17.

Ayon kay PO2 Honorio Ramos, ini-report ni Elnora Doblado y Esteban, 59, sa pulisya ang pagkawala ng anak na huling nakita matapos pumunta sa bahay ng kinakasamang si Florence Veloso y Evaristo sa Bgy. Camajuan sa San Antonio.

Natagpuan ang nakabaluktot na bangkay ni Doblado may 50 metro ang layo sa inabandonang tricycle nito na tigmak ng dugo ang sidecar. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog