KALIBO, Aklan - Pormal nang inilunsad, sa pangunguna ng World Sports Stacking Association, ang kauna unahang stacking sports association sa bansa.

Ang pagtataguyod ng Stacking Sports Association Philippines ay pinasinayaan nina Larry Goer, Chief Executive Officer ng WSSA; Rossana Chiu, advisor to the WSSA; Allan Ong, WSSA ambassador ng Singapore at Steve Tubao, WSSA ambassador ng Pilipinas.

Ayon kay Goer, bagamat may mga nauna nang stacker professionals ang Pilipinas sa Metro Manila layon na nilang maibahagi ang sports na stacking sa iba’t ibang lalawigan.

Inaasahan ni Goer na makakapag-produce ang bansa ng bagong henerasyon ng mga stacker professional at makipaglaban sa international competition sa hinaharap.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Pinili ng grupo ang bayan ng Kalibo dahil malapit ito sa isla ng Boracay na kilalang tourism destination sa bansa.

(Jun N. Aguirre)