Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. San Sebastian vs Letran

2 n.h. Arellano vs Mapua

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. Perpetual vs San Beda

Balik aksiyon si San Beda College skipper Dan Sara sa pagsagupa ng Red Lions kontra University of Perpetual Help sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament ngayon, sa San Juan Arena.

Habang inaasahan ang pagbabalik- aksiyon ni Sara, wala namang kasiguruhan kung makalalaro si reigning MVP Allwell Oraeme para sa Mapua na haharap sa pre- season favorite Arellano University.

Hindi nakalaro si Sara sa nakaraang dalawang laban dahil sa natamong “fractured finger”.

Pinagpahinga naman si Oraeme sa nakaraan nilang laban kontra Emilio Aguinaldo College Generals matapos mabalitang aksidenteng nadulas sa practice.

Makakatunggali ng Red Lions ang Altas na manggagaling mula sa 76-61 panalo kontra San Sebastian noong Huwebes, habang makakaharap naman ng Cardinals ang galing sa talong Chiefs na dumanas ng 79-89 kabiguan sa Letran.

“It’s going to be great match for sure,” ani San Beda coach Jamike Jarin.

“Talagang paghahandaan namin ang laban na yun kasi dun masusukat yung karakter ng team,” pahayag naman ni Perpetual coach Jimwell Gican.

Tatangkain naman ng defending champion Letran na mapalawig pa ang naitalang three-game streak sa pagsagupa sa San Sebastian (1-2) sa unang laban ganap na 12:00 ng hapon. (Marivic Awitan)