Nadomina ng Team Philippines ang New Zealand, 25-23, 25-13, 17-25, 25-17, nitong Linggo para makausad sa semi-final ng 19th Princess Cup Southeast Asian Women’s Under-19 Championship, sa Sisaket, Thailand.

Nakopo ng Pinay belles ang ikalawang sunod na panalo para makasiguro ng silya sa Final Four. Naunang ginapi ng Nationals, pinangangasiwaan ni coach Francis Vicente, ang Singapore, 25-9, 25-14, 25-23.

Pinangunahan ni National U setter Jasmine Nabor ang ratsada ng Pinay sa ikaapat na set para pigilan ang Kiwis na maipuwersa ang deciding set.

Ikinatuwa ni team manager Peter Cayco, kinatawan ng Arellano U sa NCAA board at acting president ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc., ang ipinamalas na kahusayan ng Pinay belle.

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

“They quietly trained for this tournament and we’re happy with what’s been happening,” sambit ni Cayco.

Kabilang ang Pinay sa Pool A kasama ang Thailand, Singapore at New Zealand, habang nasa Pool B ang Vietnam, Indonesia, Australia, at Malaysia. (Angie Oredo)