Mga iresponsableng logging firms, mag-ingat. Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kakanselahin ang mga permit ng logging companies sa oras na makaligtaan nila ang kanilang responsibilidad na magtanim.

Bilang halimbawa sa kanyang kampanya laban sa mga iresponsableng kumpanya sa pagmimina, inihalimbawa ni Duterte ang Gutierrez mining company sa paglabag sa mga batas at nakapipinsala sa kapaligiran sa Agusan del Norte.

“Marami dito: Gutierrez, (you) cannot only destroy Tubay in Agusan del Norte,” pahayag ng Pangulo sa reunion nila ng kanyang mga kaklase sa San Beda.

“You’re supposed to plant trees. Ngayon, ‘pag wala akong makita na kahoy tumutubo dyan, I’ll cancel your paper. Kung multinational ka… Wala,” dagdag niya.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang San Roque Metals Inc (SRMI), na pagmamay-ari umano nina Miguel Alberto Gutierrez at Eric Gutierrez, na iniuugnay sa kontrobersiyal na nickel mines sa Tubay, Agusan del Norte. “I do not intend to pull you down. Basta lahat, sumunod lang kayo sa batas. Walang bending,” sambit ni Pangulong Duterte. (Genalyn Kabiling)