CAMP MACABULOS, Tarlac City – Batay sa huling ulat ng Police Regional Office (PRO)-3, umabot na sa 13,680 tulak at adik ang sumuko sa Central Luzon, sa pinaigting na anti-illegal drug campaign na “Double Barrel” ng pulisya.

Ayon kay acting PRO-3 Director Chief Supt. Aaron Aquino, boluntaryong sumuko sa awtoridad at mga lokal na opisyal ang nasabing bilang ng mga sangkot sa droga, at pawang nangako na magbabagong-buhay na.

Napag-alaman na 445 katao naman ang naaresto at 49 ang napatay sa aktuwal na anti-drug operations.

Nakarekober naman ang awtoridad ng 369 na plastic sachet na naglalaman ng 193.89 gramo ng shabu, at 27.17 grams ng marijuana; 13 high-powered firearms, 46 na iba pang baril, isang granada, 340 bala at tatlong magazine.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

(Leandro Alborote)