Tatlong kaanak ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang nagtungo sa tanggapan ng Ombudsman at naghain ng reklamo laban kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, dating PNP Chief Allan Purisima at dating SAF Chief Getulio Napenas kaugnay sa Mamasapano massacre.

Nabatid na 44 counts ng reckless imprudence resulting in homicide ang inihain ng mga magulang nina P02 Noble Kiangan, P02 Walner Danao at P92 Nicky Nacino laban sa dating Pangulo. Tumayo co-complainant sa kaso ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Sa 35-pahinang reklamo, nakasaad na nagpabaya umano ang tatlong opisyal na nagbunsod sa pagkakapatay sa 44 pulis.

Hanggang ngayon, emosyonal pa rin ang mga magulang SAF 44 kung saan nanawagan si Ginang Julie Danao kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan sila.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

“Ang sabi mo kung sino ang may sala, siya ang mananagot. Kaya nandito na kami ngayon. Humihingi ng justice! Justice! Thank you Mr. President,” pahayag nito.

Magugunitang si P02 Danao ang nakita sa viral video noon habang naghihingalo siya at malapitang binaril hanggang mapatay ng isa sa mga rebelde. (Jun Fabon)