VICTORIA, Tarlac – Nahaharap ngayon sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law ang isang ginang matapos niyang ipahiya ang kanyang estudyante nang ipagkalat niyang may kalaguyo ang ama ng bata habang sila ay nasa compound ng Victoria Catholic School sa Barangay Sta. Lucia, Victoria, Tarlac.

Sa ulat ni PO1 Catherine Joy Quijano, kinilala ang suspek sa palayaw na Lyn, nasa hustong gulang, ng Bgy. Sta. Barbara, Victoria, Tarlac.

Dakong 10:00 ng umaga, nasa bisinidad ng paaralan ang estudyante nang nilapitan ng suspek at sabihang may ibang babae ang kanyang ama, na hindi naman pinansin ng paslit.

Gayunman, sumunod pa ang suspek sa classroom at muling nagsalita laban sa ama ng bata kaya napahiya ang huli sa mga kaklase nito. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog