HINDI lang pala P13M kundi P21.5M ang opening day gross ng Imagine You & Me movie nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Partial gross pala ang nai-report, na unang lumabas sa GMA news website, at inakala ng bashers ng AlDub love team na ‘yun na ang kabuuang gross. Kaya may mga patutsadahan sa iba’t ibang kampo ng mga love team.

Sa laki ng opening gross ng Imagine You & Me, nasagot na siguro ang tanong ng isang producer bago ang showing ng nasabing pelikula kung sikat pa ba ang AlDub love team.

Nababasa siguro ng producer ang mga nasulat na nagdududa sa kakayahan ng love team na maging box-office hit ang kanilang pelikula dahil laos na raw at hindi na masyadong maugong ang kanilang tambalan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, sumagot sa kuda ng netizen na makipag-ayos na sa pamilya Yulo

Magtatagal pa ang showing ng pelikula at hindi pa nga naipalalabas sa ibang bansa. Kung isasali ang gross ng movie sa showing abroad, aba’y malaki ang kikitain ng mga producer na APT Entertainment, M-Zet Television Productions at GMA Films.

Sunud-sunod din ang block screening ng fans, meron ang solid fans ni Alden, iba pa ang solid fans naman ni Maine at meron din ang AlDub fans, at malaking dagdag sa box-office gross sa movie ‘yun.

Ang masaya pa, nakikipanood minsan sina Alden at Maine, kaya lalong ginaganahan ang kanilang fans sa pagsuporta sa kanila.

Ang Imagine You & Me so far ang highest opening gross ng Filipino movie outside Metro Manila Film Festival. Ang sumunod dito ay ang Just The 3 of Us nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na kumita ng P16M sa opening day.

(NITZ MIRALLES)