URDANETA CITY, Pangasinan – Nasa 700 drug pusher at user mula sa 27 barangay sa Urdaneta City ang sumumpa kahapon sa harap ng hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ni Mayor Amadeo Perez IV na magbabagong-buhay na matapos sumuko.

Ang pledge of commitment sa Cultural Sports Complex ay sinaksihan mismo ni PDEA Director General Isidro Lapeña at ni PDEA-Region 1 Director Jeoffrey C. Tacio, at ng hepe ng Pangasinan Police Provincial Office.

Samantala, ikinagalak naman ni Mayor Perez ang pagsuko ng nasabing bilang ng mga sangkot sa droga, na pinakamarami sa loob ng isang araw. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog