Masangsang na amoy ang naging dahilan nang pagkakadiskubre sa bangkay ng isang street sweeper sa Sta. Ana, Manila, kamakalawa ng hapon.

Tinatayang dalawang araw na ang itinagal ng bangkay ng biktimang si Demetrio Cabias, alyas “Boy”, nasa 70 hanggang 75-anyos, street sweeper sa Sta. Ana Market, at mag-isang nakatira sa 2368 Pasig Line, Sta. Ana, Manila, na natagpuan sa loob mismo ng kanyang tahanan.

Sa naging pahayag ni Jomar Crisostomo, kapitbahay ng biktima, kay Det. Jonathan Bautista, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na bago pa man nadiskubre ang bangkay ng biktima ay may umaalingasaw na ang masangsang na amoy na nagmumula sa tahanan ng biktima.

Pumunta umano si Crisostomo sa bahay ng biktima at tumambad sa kanya ang bangkay ng biktima.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Atake sa puso ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad dahlia matagal na umano nitong iniinda ang karamdaman.

(Mary Ann Santiago)