Pormal nang sinampahan ng mga kasong graft, malversation at falsification of public documents sa Sandiganbayan sina dating Vice President Jejomar Binay, anak nitong si dating Makati City Mayor Junjun Binay, at iba pang opisyal ng lungsod bunsod ng overpriced na Makati City Hall Parking Building contracts.

Ang matandang Binay ay nahaharap sa 9 counts ng pagpapalsipika sa pampublikong dokumento, 1 count ng malversation at 4 counts ng graft. Ang batang Binay naman ay may 2 counts ng graft at 1 count ng malversation, base sa kaso ng Ombudsman.

Sinampahan ng kaso ang mga Binay matapos umanong makipagsabwatan kay Efren Mercado Canlas ng Hilmarc’s Construction Corporation sa kuwestiyonableng konstruksyon, kung saan nai-award kay Orlando M. Mateo ng MANA Architecture and Interior Design Co. ang parking contract sa kabila ng kawalan ng aprubadong plano.

Samantala ang malversation charge ay isinampa sa mga Binay at umano’y mga kasabwat ng mga ito matapos na maglaan ng P11,011.294.77 sa MANA. Ibinigay umano sa MANA ang nasabing pera kahit wala pang naidedeliber ang nasabing kumpanya sa pinagkasunduang kontrata.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Dahil sa kanilang hakbang, nagdulot umano ito ng kapahamakan sa gobyerno.

Ang matandang Binay ay tinakdaan ng P360,000 piyansa, samantala P100,000 naman para sa kanyang anak.

Ang iba pang kinasuhan sa Sandiganbayan ay kinabibilangan nina Makati City Administrator Marjorie Aguinalde De Vera, Legal Officer Pio Kenneth Ilano Dasal, Budget Officer Lorenza Punzalan Amores, Central Planning Chief Virginia Hernandez, City Engineers Mario Valenzuela Badillo, City Accountants Leonila De Guzman Querijero at Cecilio P. Lim III, Acting City Accountant Raydes Barias Pestano, City Treasurer Nelia Argana Barlis, BAC Head Giovanni Condes, BAC Chairman Rodel Rebustillo Nayve, BAC Vice Chairperson Ulysses Estanislao Orienza, BAC Secretariat Manolito Uyaco, Central Planning Management Office Chief Line Macatangay Dela Pena, Civil Engineers Arnel Lamusao Cadangan at Emerito Calayag Magat, at Efren Mercado Canlas ng Hilmarc’s and Orlando M. Mateo mula sa MANA.

Samantala binira naman ng kampo ni Binay ang Ombudsman dahil sa umanong “amended complaint” laban sa mag-ama. “Even though there has already been a new administration, the Ombudsman has still shown that she (Ombudsman Conchita Carpio-Morales) is a protector of the Liberal Party. We all know that a case has been filed against the leaders of the LP because of the ‘anomalous’ Disbursement Acceleration Program.” Ayon kay Joey Salgado, tagapagsalita ng dating bise presidente.

Sinabi nito na upang mapagtakpan umano ang mga taga-LP na kinasuhan din, sinampahan ng “faulty case” ang mag-amang Binay. (CZARINA NICOLE ONG, ROMMEL TABBAD at RIZAL OBANIL)