TUNGKOL kina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang isa sa mga itinanong kay JC de Vera sa isang presscon. Si JC kasi ang ka-love team ni Jessy at na-link pa nga siya, pero natigil ‘yun nang mag-viral ang pictures nina Luis at Jessy na nakikitang nanonood ng sine at nagmu-malling.

Nitong huli, inamin na nina Luis at Jessy na “dating” sila. Ano ang nararamdaman ni JC, hindi ba siya nagseselos o nanghinayang na pinakawalan niya si Jessy?

“Naging honest kami ni Jessy sa pagsasabing friends lang kami at magka-love team. I’m happy for her and Luis at wala akong nararamdamang selos at panghihinayang. Puwede pa naman siguro kaming magka-love team kahit maging sila na ni Luis. Sa ngayon, focus ako sa career ko dahil may gusto akong ma-achieve. Thirty years old na ako, kailangan ko i-establish ang sarili ko bago ko gustuhing magka-love life,” pahayag ni JC.

Samantala, wala pang soap sa ABS-CBN si JC at sa Banana Sundate muna siya regular na napapanood. Pero busy rin siya sa tatlong indie films na sunud-sunod niyang gagawin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ang isa sa three indie films na ginagawa at gagawin ko ay ang Tisay para sa Cinema One Originals. ‘Yung isa ay for Star Cinema called Sin Island at ‘yung isa, to be announced ang title. (NITZ MIRALLES)