‘KATUWA si Christian Bautista sa press launch ng Encantadia dahil hanggang sa one-on-one interview, hawak-hawak pa rin ang sandata niya na kung tawagin niya ay sandata ng mandirigma. Matalas ang sandata at nakakasugat, kaya careful din si Christian sa paghawak nito.

Gaya sa ibang cast, nag-audition din si Christian para mapasama sa requel ng fantaserye na magpa-pilot sa Hulyo 18.

Ibinigay sa kanya ang role ni Apitong na ginampanan ni John Regala sa unang Encantadia.

“Nang magkaroon ng audition, nag-audition talaga ako dahil gusto kong makasama sa cast. Sikat na fantaserye ito at kahit noong nasa kabilang network pa ako, usap-usapan na ang Encantadia at pinanood ko. Maganda ang karakter ni Apitong, neutral siya o balimbing at siya ang nag-adopt kay Ybarro (Ruru Madrid),” kuwento ni Christian.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

Naninibago si Christian na hindi lang basta drama ang ginagawa niya kundi fantaserye pa, at feeling niya ay bumabata siya. Dahil nga naka-costume siya, may sandata at may fight scenes pa.

Sa Lunes na, Hulyo 18 ang grand pilot ng Encantadia at inamin ni Christian na kinakabahan siya sa magiging reaction ng viewers sa requel ng mahal niyang fantaserye. In-assure ni Christian na ginastusan ito ng GMA-7 para lumabas na maganda at pinaghirapan ng buong Team Encantadia.

Nothing to worry ang fans ni Christian na baka kalimutan o iwan na niya ang pagkanta ngayong kasama siya sa Encantadia. Kumakanta pa rin siya sa corporate shows, nagko-concert sa Indonesia at kumakanta sa mga TV guestings.

(Nitz Miralles)