CAMP DANGWA, Benguet - Isang dating mayor sa Abra ang naka-hospital arrest ngayon matapos atakehin sa puso makaraang mahulihan ng mga baril at drug paraphernalia sa paghahalughog ng pulisya sa kanyang bahay sa Bangued, Abra.

Sa report ni Supt. Mark Pespes, OIC ng Abra Police Provincial Office, kinasuhan na sa Abra Provincial Prosecutor’s Office si Noel Puddoc Castillo, dating alkalde ng Langiden, ng pag-iingat ng ilegal na droga at illegal possession of firearms.

Ayon kay Pespes, sa bisa ng search warrant ay nasamsam nila mula sa bahay ni Castillo sa Barangay Cabuloan sa Bangued ang isang .45 caliber Norinco, magazine nito, isang .45 Colt at magazine nito, isang .45 Taurus at magazine, 17 bala ng .45 caliber pistol, isang .22 caliber Taurus at magazine, isang homemade .22 caliber revolver at 10 bala nito, 18 bala at magazine ng M16, isang basyo dalawang bala ng .30 caliber.

Nakarekober din mula kay Castillo ng iba’t ibang drug paraphernalia. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae