Nagbunyi ang maraming Pinoy matapos maipanalo ng bansa nitong Martes ang arbitration case laban sa pag-angkin ng China sa mga isla sa West Philippine Sea o South China Sea.

Kaugnay nito, Lunes pa lang ay nag-trending na ang hashtag na #CHexit—o ‘China Exit’—at hindi ito pinatawad ng netizens.

Kanya-kanyang hugot ang ginawa ng mga Pinoy sa social media, lalo na sa Twitter at Facebook. Nagkalat ang posts, tweets, at memes tungkol sa makasaysayang desisyon ng international court na pumabor sa bansa.

Para kay Nancy Caringal (@iam_NancyC), inihambing niya sa ‘true love’ ang karapatan ng bansa sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Isang ‘tamis ng tagumpay’ para sa kanya ang pagkapanalo ng kaso.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Kay Chadrick Lao (@iamchadrick) naman, inihalintulad niya ang China sa mga taong ‘pinapaalis na pero pilit pa ding nagstay’ sa isang relasyon.

Para naman kina Borj Angulo-Villena at Kay So, iginigiit nilang huwag nang ipilit pa ng China ang pag-angkin kung alam naman nila na ‘nung umpisa pa lang ay hindi na sa kanila’. (Christiamarie Lugares)