Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

10 n.u. - Perpetual Help vs San Sebastian (jrs)

12 n.t.- Letran vs Arellano U (jrs)

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

2 n.h. -- Perpetual Help vs San Sebastian (srs)

4 n.h. -- Letran vs Arellano U (srs)

Pasanin ni Jiovani Jalalon ang Arellano University at walang dahilan para tumigil sa kanyang pagiging lider ang Arellano star sa pagbabalik ng NCAA Season 92 men’s basketball championship ngayon, sa San Juan Arena.

Itataya ng Chiefs ang malinis na karta at target na makisosyo sa liderato sa pakikipagtuos sa defending champion Letran Knights sa ganap na 4:00 ng hapon.

Sa unang dalawang laban, nagtala si Jalalon ng average na 28 puntos, pitong assist, limang steal, at pitong rebound.

“Gagawin ko lahat ng makakaya ko para matulungan ang team namin,” pahayag ni Jalalon.

Dahil dito bantay-sarado na naman si Jalalon kontra Letran na galing sa panalo kontra Emilio Aguinaldo, 76-72, at St. Benilde, 56-52.

“He’s hard to stop but we’ll do our best to slow him down,” sambit ni Letran coach Jeff Napa.

Sa panig ng Letran, aasahan nila upang muling mamuno sa koponan sina Rey Nambatac at Jom Sollano.

“We need to do it consistently if we want to do better this season,” ayon kay Napa.

Sa isa pang laro, hangad ng Altas na umangat sa barahang 1-1 sa pagsagupa nito sa winless na San Sebastian Stags. (Marivic Awitan)