Angel copy

NATUTUWA ang fans nina Angel Locsin at Luis Manzano na kahit break na ang dalawa, close pa rin si Angel sa ama ng ex-boyfriend. Ipinost ni Angel sa Instagram ang ref magnets na pasalubong sa kanya ni Edu Manzano mula sa New York. Ang caption niya, “new additions to my mini-collection. Thanks Tito @realedumanzano for remembering.”

Ang sagot ni Edu kay Angel, “You’re most welcome anak. Now I know to look for new ones sa lahat ng pupuntahan ko.

Stay healty.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kanya-kanyang reaction ang netizens sa pagtawag ni Edu ng “anak” kay Angel dahil ‘yun din ang tawag niya kay Jennylyn Mercado noong si Jennylyn pa ang girlfriend ni Luis.

May nag-comment din na tiyak nasaktan si Jessy Mendiola na sinasabing bagong GF daw ni Luis dahil close pa rin si Angel kay Edu at heto nga at “anak” pa rin ang tawag.

Ang unfair na comment ay nagpaparamdam daw si Angel para muling balikan ni Luis. Hindi ba puwedeng nagpasalamat lang dahil hindi pa rin nakalimutan ni Edu na nagko-collect siya ng ref magnets kahit matagal na rin silang hiwalay ni Luis? (NITZ MIRALLES)