Ni Nitz Miralles

Cesar MontanoNAGKITA-KITA ang mag-aamang Cesar Montano at tatlong anak niya kay Sunshine Cruz sa isang hindi sinabing lugar. Pinasalamatan ng kasama o baka pamilya ni Cesar si Sunshine sa pagpayag na magkita na finally ang mag-aama.

Nakunan ng picture ang masayang araw sa mga Montano at ang inilagay na caption ng nag-upload ng picture ay, “Father and daughter bonding... i love u sunshine... grabe saya ng mga bata nakita nila ama nila... can’t stop my tears i’m happy for the montano family... thanks my sunshine at nakinig ka sa akin i love you.”

Ang comment ni Sunshine, “It was meant to happen. I’m happy for them...”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tiyak na ang laki ng pasasalamat ni Cesar sa taong gumawa ng paraan upang muli niyang makita ang tatlong anak nila ni Sunshine. Pasalamat na rin si Cesar kay Sunshine sa pagpayag na makipagkita sa kanya ang kanilang mga anak. Nagulat siguro si Cesar dahil malalaki na ang mga anak nila ni Sunshine at magdadalaga na ang dalawa.

Sana ang kasunod nito ay maging tahimik at wala nang away sina Cesar at Sunshine at hayaan ang korte ang mag-decide sa mga kasong isinampa ng huli. But for sure, hindi pa rin nagbabago ang gusto ni Sunshine na ma-annul na ang kasal nila ni Cesar.

Sabi nga niya, “I want my annulment.”