Hulyo 11, 1804 nang mangyari ang duwelo sa pagitan ng matagal nang magkaribal na sina dating United States (US) Treasury Secretary Alexander Hamilton at dating Vice President Aaron Burr, sa Weehawken, New Jersey. Gamit ang .56 caliber pistol, binaril ni Burr sa atay at sikmura ni Hamilton.

Taong 1804 nang kumandidato si Burr bilang gobernador ng New York ngunit nabigo. Si Burr ay isang Republican; habang si Hamilton ay Federalist.

Noong panahong iyon, nagduduwelo ang ilang pulitiko sa Amerika na natalo sa eleksiyon upang mabawi ang kanilang reputasyon. Ipinakita rin sa duwelo na handang mamatay ang isang lalaki para lamang sa karangalan.

Dahil sa nasabing duwelo, naharap si Burr sa dalawang bilang ng pagpatay, at hindi na maaaring maupo sa kahit anong posisyon pagkatapos niyang manungkulan bilang bise presidente.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo