Ariel Rivera
Ariel Rivera
NAKORNER kami ng supporters ni Ariel Rivera na nagtanong sa amin kung bakit hindi raw napapansin ang mahusay na pagganap sa mga teleserye.

Hindi man lang daw siya nano-nominate sa award-giving bodies sa tagal na niya sa pag-arte.

Wala naman siyang pelikula, hirit namin sa mga kausap namin, pero ang balik kaagad sa amin, “bakit, may award-giving body naman para sa TV shows, ‘yung PMPC Star Awards for TV?”

Oo nga naman, bakit nga ba hindi napapansin ng PMPC si Ariel, e, magaling naman siyang artista? Paging PMPC officers and voting members.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Puwede nga naman siyang ma-nominate for best supporting actor lalo na sa mga seryeng ginampanan niya tulad ng Doble Kara bilang adoptive father nina Kara at Sara (Julia Montes).

Samantala, wala na ang karakter ni Ariel sa Doble Kara bilang si Ishmael dahil inilagay na siya sa Born For You bilang asawa ni Ayen Munji-Laurel at ama at manager ni Elmo Magalona.

Pero may awards na si Ariel, tulad ng Best New Male Artist - Awit Awards 1991; Best Performance by a New Male Recording Artist 1992; Best Supporting Actor - Bakit Labis Kitang Mahal, MMFF, 1992; Music Video of the Year -- Tunay Na Ligaya, 1997;

Best Vocal Performance of the Year by a Duet/Group - I Don’t Love You Anymore withLea Salonga, 1999; Outstanding Lead Actor - Forever In My Heart, 2nd Golden Screen Awards, 2005 at Best Actor - Parola, Bahaghari Awards.

Kaya hirit sa amin ng supporter ni Ariel, “Sana mapansin siya sa Born For You.” —Reggee Bonoan