NUEVA ECIJA - Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang nasawi makaraang pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem sa magkahiwalay na insidente sa Nueva Ecija, nitong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang unang biktima na si Prince Michael Lagmay y Dona, 22, binata, ikawalo sa top 10 target drug personality, at residente ng Purok 1, Barangay Calancuasan Norte, Cuyapo. Apat na beses siyang binaril habang mag-isang naglalakad sa nasabing lugar.

Itinumba naman sa Science City of Muñoz si Guillermo Piliton y Velasco, 47, tricycle driver, tubong Osamis Oriental, at residente ng Bgy. Poblacion North, Science City of Muñoz, na pinagbabaril sa Munoz-Lupao Road habang nakaupo sa Bgy. Poblacion West.

Si Piliton ay ikatlo sa listahan ng mga drug suspect sa siyudad.

Tinadtad naman ng bala si Virgilio Madrid y Leandro, ng Bgy. Catalanacan, at natagpuang duguan at wala nang buhay sa tabi ng kanyang Honda Wave motorcycle.

Probinsya

‘EASY 10K!’ Mga tinuling 20-anyos pataas sa Cebu, binigyan ng cash incentive

Bagamat walang kaaway, mismong mga opisyal ng barangay ang nagsabing sangkot sa ilegal na droga si Madrid. (Light A. Nolasco)