MTV TRL With Ludacris, Orlando Bloom And Snoop Dogg

NANGUNA sa isang peaceful march sina Snoop Dogg at Game sa Los Angeles Police Department headquarters nitong Biyernes, para isulong ang maayos na relasyon ng mga pulis at ng minority communities.

Nag-organisa ng demonstrasyon ang mga rapper bilang reaksiyon sa pagkakabaril sa limang police officers sa Dallas. Sa post ni Game sa Instragram tungkol sa martsa, sinabi ni Game na manatili na lamang ang kababaihan at mga bata sa bahay, habang ang kalalakihan ay dapat sumama sa pagmartsa para ipaglaban ang batas, “aware that from today forward, we will be UNIFIED as minorities & we will no longer allow them to hunt us or be hunted by us!!!”

“Let’s erase the fear of one another on both sides & start something new here in the city of Los Angeles,” sabi sa post.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Dumating sa headquarters sina Snoop at Game kasama ang halos 100 kataong nagmartsa habang nagsisipagtapos ang bagong klase ng 37 police recruit. Nakipagkamay si Snoop sa mga police official at sinabi sa reporter na umaasa siya na ang kanyang presensiya ay makatutulong para muling ipakilala ang black community sa departamento at magkapagbukas ng pag-uusap.

“We wish them luck,” sabi niya sa mga bagong graduate, “and we wish that they have a better understanding with the people so that they can do their job, peacefully, and make it home safely, just like we want to make it home safely.”

Sa graduation ceremony, binigyang-diin ni LAPD Chief Charlie Beck sa bagong officers na huwag hayaan na ang pangyayari sa Dallas ay makaapekto sa kanila para sundin ang batas na patas sa lahat.

“This is not about black lives. This is not about brown lives. This is not about blue lives. This is about America,” emosyonal na sabi ni Beck, habang mabagal at maayos na nagsasalita, ang kanyang badge ay nakabalot ng isang strip na black mourning tape. “This is about a country based on a promise that does not recognize a difference in the shades of humanity. You are the symbol of that promise.”

Sinabi rin nito sa mga graduate na sa kanilang unang araw ng trabaho sa Linggo, makakatagpo sila ng mga tao na nakararanas ng kanilang pinakamasamang araw sa buhay.

“Given their circumstances you might act in a similar fashion,” aniya. “Have empathy. Look into people’s hearts. … Help them.”

Humingi ng pagpapala sa Panginoon si Beck para sa city ng Dallas. Sinabi rin nito na lagpas 200 police officers ng Los Angeles ang namatay habang nasa ginagampanan ang tungkulin, kasama rito ang 60 simula nang sumali siya sa puwersa 40 taon na ang nakalilipas. (AssociatedPress)