TURIN, Italy (AP) – Lumapit ang Italy at Serbia sa inaasam na slot sa Rio Olympics basketball.

Kapwa umusad sa championship round ang Italy at Serbia sa magkahiwalay na FIBA Olympic Qualifying Tournament, sa Turin at Belgrade.

Sa Manila, target ng France at Canada na makamit ang final slot laban sa Turkey at New Zealand, ayon sa pagkakasunod.

Hataw si Danilo Gallinari ng Denver Nuggets sa naiskor na 15 puntos para sandigan ang Italians kontra Mexico, 79-54.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makakaharap nila sa finals ang Croatia, nagwagi laban sa Greece sa hiwalay na semis duel.

Hindi pa nakakabalik sa Olympics ang Italy mula nang makamit ang silver medal sa 2004 Games.

Nanguna naman si Bogdan Bogdanovic na may 21 puntos at walong rebound, habang kumana si Denver Nuggets center Nikola Jokic ng 19 na puntos at walong board sa panalo ng Serbia kontra Czech Republic, 96-72.

Makakaharap ng Serbians, silver medalist sa 2014 Basketball World Cup, ang Puerto Rico sa finals.

Nakataya ang tatlong Olympic slots sa magkakahiwalay na qualifying tournament.