Alden Recording copy

TINIIS ni Alden Richards na hindi mag-relax at magbakasyon kasama ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza, at ang Dabarkads na nasa Hong Kong ngayon, dahil sa trabaho.

Nalungkot ang fans at mayroon ding nang-bash kay Alden kung bakit daw pinabayaan na naman niya ang ka-love team.

Treat ng producer ng Eat Bulaga na si Mr. Tony Tuviera ang three-day vacation sa Hong Kong ng Dabarkads. Si Alden naman ay handled ng GMA Artist Center kahit Dabarkads din siya. Wala namang problema, nag-tape sila ng four days na eere habang wala sila sa Pilipinas, kasama ang 51st weeksary last Thursday, nina Alden at Maine sa kalyeserye.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero nagpaka-professional si Alden at hindi siya humingi ng excuse para makapagbakasyon dahil commitment na niya iyon, trabahong tinanggap niya.

Monday, July 4, may shoot siya ng TVCommecial ng isang bagong endorsement na kinunan sa kanyang Concha’s restaurant.

At Tuesday, nagsimula na siyang mag-recording sa GMA Records para sa second album niya sa kanila.

Congratulations to Alden dahil naka-6x Platinum na ang kanyang Wish I May album.

Magkakasama sa Hong Kong sina Sen. Tito Sotto, Joey de Leon, Bossing Vic Sotto and wife Pauleen Luna, Patricia Tumulak, Coun. Anjo Yllana, atbp. Siguro matutuwa na ang Aldub Nation na nangba-bash kay Patricia dahil may snapchat sila ni Maine sa kanilang hotel room, nagkukulitan. Ibig sabihin, friends silang dalawa at mali ang bashing sa kanila na hindi sila magkasundo.

Pero tiyak na na-miss si Alden ni Maine dahil sa dinner nila noong Tuesday evening, na kasama niya ang EB writer na si Jenne Ferre, nag-post siya sa Instagram ng “@aldenrichards02, pag hindi ka nainggit dito, ewan ko na! 4 na isda!”

Apat na malalaking lapu-lapu ang nasa platter.

Kaya AlDub Nation, darating din ang araw na magkakasamang magbakasyon sina Alden at Maine, iyon ang ipinangako sa kanila ni Mr. Tuviera, hindi nga lamang ngayon dahil busy pa sila sa promotion nila ng Imagine You & Me na shoowing na sa July 13 in cinemas nationwide.

Kahapon, live nang mapapanood ang Eat Bulaga. (Nora Calderon)