Emma copy

KuMITA na ng $61 ang bagong pelikula ng British actress na si Emma Watson na may titulong The Colony sa UK box office limited opening weekend nito sa tatlong sinehan.

Ang pelikula, na mapapanood na rin sa iba’t ibang bansa, ay ipinalabas sa pamamagitan ng Video on Demand nitong nakaraang Biyernes, kasabay ng pagpapalabas nito sa tatlong sinehan sa UK. Base sa figure ng British Film Institute, ito ay kumita na ng 47 pounds ($61).

Kasama ni Watson, gumaganap bilang Hermione sa Harry Potter films, ang German actor na si Daniel Bruhl sa pelikula.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Gagampanan ng aktres ang karakter ni Belle sa remake ng Disney na Beauty and the Beast, na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon. (Reuters)