Marian copy

MAGPAPAHINGA pala uli sa showbiz si Marian Rivera para matutukan ang pag-aalaga at pagpapalaki sa anak nila ni Dingdong Dantes na si Baby Z. 

Sa interview kay Marian sa Johnson’s & Johnson’s event sa Market! Market! At nagsilbing launching ng endorsement nila ni Baby Zia, binanggit niyang pagkatapos ng Yan Ang Morning, exit muna siya pansamantala sa showbiz dahil kay Baby Zia.

Kaya siguro four weeks lang ang extension ng Yan Ang Morning sa halip na one season na tumatagal ng 13 weeks.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hanggang whole month ng August na lang ang nasabing morning show at pati na yata sa Sunday Pinasaya, magpapaalam si Marian pansamantala.

Limitado rin ang labas ni Marian sa Encantadia bilang si Reyna Mine-A, pero tatatak sa televiewers ang role at karakter niya. 

Sa July 18, na ang premiere telecast ng fantaserye kapalit ng Poor Señorita at malalaman natin sa production kung hanggang ilang weeks mapapanood sa fantaserye si Marian.

Pero nangako siyang ‘pag lumaki na si Zia at puwede na niyang iwanan nang matagal-tagal, babalik siya sa showbiz. Tiwala siyang papayagan siya ng network na mag-leave uli para sa anak.