Sinibak sa puwesto ni Eastern Police District Office Director, Senior Supt. Romulo Sapitula ang hepe ng Police Community Precinct (PCP) sa Pasig City dahil sa pagkunsinti sa apat nitong tauhan na nag-moonlighting.

Inalis sa puwesto at sasampahan ng kasong administratibo ni Sapitula si Insp. Lauro Mangusib, ng Pasig PCP-3 matapos na hindi nito ma-account ang lahat ng tauhan nito sa sorpresang pagbisita nitong Martes.

Sinabi ni Sapitula na nabigo si Mangusib na i-account ang apat na tauhan dahil pumasok ang mga ito sa trabaho pero ang ginawa ay nagmaneho ng pampasaherong utility vehicle.

Kasabay nito, hinimok ni Sapitula ang mga pulis sa EPD na gumagamit ng droga na kusang magpasailalim sa rehabilitasyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Magpunta kayo sa akin at kayo’y aking tutulungan,” himok ni Sapitula.

Aniya, aabsuweltuhin niya sa kaso ang mga pulis na boluntaryong magpapa-rehab.

Umaasa si Sapitula na madodoble sa susunod na linggo ang mahigit 1,000 tulak at adik na sumuko mula sa Mandaluyong, Pasig, San Juan at Marikina, simula nitong Hunyo 1. (Mac Cabreros)