Maine copy

MALAKI ang bibig, hindi maganda, malaki ang tiyan, hindi maganda ang skin ang ilan lang sa pamimintas na tinatanggap ni Maine Mendoza tungkol sa kanyang looks. 

“Tanggap ko po iyon kasi kahit ako, hindi ko sinasabing maganda ako,” pahayag ni Maine sa presscon ng Imagine You & Me. “Nasanay na po ako sa mga bashings na tinatanggap ko, kaya wala na akong pakialam, hindi na ako nagri-react. Nagri-react po lamang ako kapag idinadamay na nila ang aking pamilya. Hindi po sila showbiz, wala po naman silang ginagawa para idamay sa bashing, ako na lang kasi kahit papaano, sa isang taon ko na rin sa showbiz, may mga natutunan na ako at na-orient na ako ni Alden (Richards) since mas nauna naman siya sa akin sa industriya.”

So, ano kaya ngayon ang masasabi ng bashers ni Maine na hindi man siya sinuportahan ng todo ng AlDub Nation (ADN) bilang isa sa mga isinali sa listahan ng FHM 100 Sexiest New Entry (dahil noong July 4 nga lamang siya nag-celebrate ng kanyang first anniversary in showbiz), tinanghal pa rin siyang #21 sa listahan. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabi nga, wala siyang basbas ng ADN dahil ayaw nilang makasali sa said contest si Maine at probably, wala ring basbas ng ka-love team at sinasabing better half niyang si Alden.

Actually, kung ginusto ng ADN, kaya nilang papanalunin si Maine tulad nang papanalunin siya noon sa Nickelodeon, na nakapagtala siya ng ilang milyong boto. Pero ayaw nga nilang sumali doon si Maine, bagamat tiyak na may mga ADN pa rin na bumoto sa kanya.

Description kay Maine ng FHM: “With a simple extended smile and a great sense of humor, Maine Mendoza was able to capture the hearts of a whole nation. She’s the type of beauty that grows on you. The more you look at her, the more beautiful she becomes.”

Ilo-launch na next week ang FHM 100 Sexiest na #1 si Jessy Mendiola, #2 si Jennylyn Mercado at #3 si Nadine Lustre.

(NORA CALDERON)