9db3f33a75cb4413a97b061e56e8ce21 copy

Dinapuan ng isang nakamamatay na impeksiyon ang isang babae sa United Kingdom na hindi pangkaraniwan ang dahilan:

mula sa “halik” ng kanyang aso.

Isinugod sa ospital ang 70 taong gulang na babae nang magsimula siyang mautal-utal sa pagsasalita habang nasa telepono at natagpuang nakasalampak sa kanyang upuan, ayon sa bagong report kaugnay sa kanyang kaso.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa ospital na siya nagkaroon ng malay at kinakitaan na ng paggaling. Noong una, inakala ng mga doktor na inaatake siya, dahil may history siya ng epilepsy.

Ngunit makalipas ang apat na araw sa ospital, naging malala ang kanyang kalagayan: Sumakit ang kanyang ulo, mataas na lagnat, panginginig at pagtatae, at nakita sa resulta ng tests na siya ay may kidney failure, ayon sa report. Siya ay na-admit sa intensive care unit dahil sa pagkakaroon ng malubhang sepsis — isang delikadong kumplikasyon na maaaring dumapo sa mga taong may impeksiyon.

Lumabas sa resulta ng blood test na siya ay may bacteria na tinatawag na Capnocytophaga canimorsus, na matatagpuan sa bibig ng mga aso at pusa. Ang mga taong may C. canimorsus ay nakaranas nang kagat at kalmot ng aso, ngunit ang pagpasa ng nasabing bacteria sa pamamagitan ng “licks” ay nakitaan din ng posibilidad, ayon sa mga doktor.

“This report highlights that infection [with C.canimorsus] can occur without overt scratch or bite injuries,” pahayag ng mga doktor sa kanilang report, na inilathala noong Hunyo 30, sa BMJ Case Reports journal. “It also reminds us that the elderly are at higher risk of infection [with this bacterium], perhaps due to age-related immune dysfunction and increasing pet ownership,” anila. (LiveScience.com)