HANGGANG ngayon, nami-miss pa rin ni Jake Vargas si German “Kuya Germs” Moreno, ang discoverer/mentor/manager niya na itinuring na niyang ama simula nang pumasok siya sa showbiz.
Kinikilala ni Jake ang malaking naitulong nito sa kanya at ang pagbubukas nito ng doors sa kanya sa showbiz at sa kinalalagyan niya ngayon, kaya nahihirapan pa rin siyang tanggapin na wala na ito.
Ngayon, mina-manage na si Jake ng GMA Artist Center at binigyan ng solo presscon kahit noong March pa pala siya pumirma ng five-year contract. Siya raw kasi ang walang time noon kaya hindi agad siya naipa-presscon.
Bakit ngayon lang siya nagpa-manage sa GMAAC?
“Noon pa pong first stroke ni Tatay at naospital siya, sinabi na niyang sa Artist Center na ako para hindi ako mapabayaan,” sagot ni Jake.
“Pero ayokong lumipat, nasanay na ako na siya ang nagma-manage sa akin. Kahit naman kasi marami kaming talents noon ni Tatay, hindi naman niya kami pinababayaan. Pero alam ko masaya na siya ngayong lumipat na ako sa GMAAC.”
For his first project sa GMAAC, may coming concert sila ng GMA actor-singers na sina Rocco Nacino, Aljur Abrenica, at Derrick Monasterio, titled Oh Boy! sa Music Museum on August 20. Kasama na rin si Jake sa mga acting workshop ng regular GMA talents para mas mahasa sila sa pagharap sa camera.
Buena Familia ang huling ginawa ni Jake with Julie Ann San Jose pero thankful siya na hindi siya nawawalan ng work dahil tuluy-tuloy ang sitcom nilang Pepito Manaloto na napapanood tuwing Saturday, 6:45 ng gabi. At last Saturday, ginampanan ni Jake ang true to life story ni Carrot Man si Jeryk Sigmaton sa Magpakailanman. Katatapos din lang niyang mag-guest sa Lip Synch Battle Philippines at nakalaban niya si Ken Chan. Natalo nga lamang siya nito.
Loveless pa rin si Jake after ng break-up nila ni Bea Binene. Hindi pa naman daw siya naghahanap. May tattoo si Jake ng name ni Bea, biro sa kanya ng mga press, maghanap siya ng magiging girlfriend na may pangalan ding Bea para tumama sa kanyang tattoo. (NORA CALDERON)