Natikman ng Team Pilipinas ang maagang kabiguan nang pabagsakin ng US, 11-1, sa pagbubukas ng World Cup of Softball XI and Border Battle VIII sa Hall of Fame Stadium, sa Oklahoma City.

Agad nakaiskor ang Pilipinas ng isang run sa top of the first inning subalit hindi na nasundan sa sumunod na tatlong inning upang malasap ang mercy rule na kabiguan sa pagsasama-sama ng pinakamahuhusay na softball team sa mundo.

Pumalo ng anim na run ang USA sa bottom of the first at tatlo sa third inning upang agad na iwanan ang Pilipinas sa labanan na isinagawa nitong Martes ng hapon ng sa OGE Energy Field.

Huling umiskor ng dalawang run ang host sa ikaapat na inning upang agad na tapusin ang laro bunga ng 10-run rule.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Pumalo rin ang USA nang tatlong home run sa una nitong panalo.

Sinandigan ang USA ni pitcher Ally Carda na nagbigay lamang sa Pilipinas ng isang hit, no earned runs, walang walk at may dalawang struck out sa pagpukol sa huling dalawang inning. Unang pumukol si Jessica Moore na nagbigay ng isang run sa dalawang inning kung saan mayroon itong tatlong struck out, isang walk at isang hit na naibigay.

Tanging si Dani Gilmore ang nakaiskor para sa Pilipinas. (Angie Oredo)