Jennylyn copy copy

MASAYA ang Kapuso fans ni Jennylyn Mercado sa pagre-renew niya ng kontrata sa GMA Network. Agad na ring natigil ang usapang aalis sa Kapuso Network ang aktres at lilipat sa ABS-CBN.

Gayunman, napapadalas ang paggawa niya ng pelikula sa movie arm nitong Star Cinema. Ang 2016 MMFF entry ng Star Cinema, pelikulang pagtatambalan nila ni Coco Martin. Ngayon pa lang, excited na ang fans ng dalawa sa first time nilang pagtatambal.

Naging emotional si Jennylyn sa kanyang contract signing at nabanggit na isa sa mga rason kung bakit pinili niyang mag-renew ng kontrata sa Kapuso Network ay dahil hindi siya pinabayaan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Hindi ako sigurado kung makakabalik pa pagkatapos kong manganak, pero tinanggap pa rin ako, tinanggap n’yo pa rin ako. I feel so blessed and since then kasi GMA is my home, so wala akong plano na umalis kasi I don’t see myself anywhere. Lalo sa tulong nila na ginawa sa career ko. I never expected to reach this far lalo after ko manganak, so mahal na mahal ko talaga sila,” sabi ni Jen.

Kasabay ng pagre-renew ng kontrata sa GMA Network ang pagkilala kay Jennylyn bilang The Ultimate Star. Aprubado sa fans ni Jennylyn at Kapuso viewers ang ibinigay na title sa aktres, deserving daw siya sa title.

Ngayong nakapirma na ng kontrata si Jennylyn, puwede na sigurong simulan ng GMA-7 ang project na gagawin ng aktres at hinihintay ng kanyang fans. Ito ‘yung Pinoy adaptation ng hit koreanovela na My Love From The Star.

Controversial ang sinasabing project ni Jennylyn hindi pa man kumpirmado at nasisimulan dahil sa balitang si Alden Richards ang magiging leading man niya. Tinututulan ito ng fans nina Alden at Maine Mendoza. May mga nababasa na nga kaming pamba-bash kay Jennylyn na para bang kasalanan niya sakaling makapareha niya si Alden. (NITZ MIRALLES)