ADEN (AFP) – Anim katao ang namatay sa double car bomb attack noong Miyerkules na pumuntirya sa isang military base malapit sa Aden international airport sa katimogan ng Yemen, ayon sa isang military source na sinisi ang mga jihadist.

Pinasabog ng mga umatake ang isang car bomb sa entrance ng base, para makapasok ang isang sasakyan sa loob kung saan ito pinasabog rin, ayon sa source. Anim na militar ang namatay.

“The attackers were jihadists,” sabi ng source.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo