DEDMA kami nang una naming marinig na bading ang sikat nang aktor ngayon dahil baka naman sinisiraan lang siya. Halos lahat na lang kasing aktor, itsinitsismis na bading.

Pero napakunot-noo kami nang makita naming pumalantik ang kamay ng sikat na aktor sa isang event at biglang naalala ang tsika tungkol sa kanya. Pero hindi pa rin kami kumbinsido dahil baka effeminate lang, kasi maayos ang pamilyang kinalakihan.

Una naming narinig ang tsikang bading ang sikat na aktor nang magkaroon siya ng show sa bansang puro disyerto dahil maraming production staff na nakarinig habang pabading siyang kinakausap ng handler niya. Nang marinig daw ang dalawa ng manager ay sinita sila at pinagsabihan ang handler na ayusin ang pakikipag-usap sa actor kapag nasa labas ng bahay o may ibang mga tao dahil baka raw bigyan ng masamang interpretasyon ng mga nakakarinig.

Ang ikalawa nga ay ang pumalantik na kamay ng aktor na nakita mismo ng aming mga mata at ang ikatlo ay ang kuwentuhan isa isang event ng mga kaibigan namin madalas sa mga sosyal na bar.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Naku, umaalingasaw na ang amoy ni _____ (sikat na aktor), kasi naman hindi maingat mga taong nasa paligid niya, pero ngayon yata wala na sa social media ‘yung mga post na sumali sa talent search si _____ (sikat na aktor) at todo make-up talaga siya. Pati naman ang identical bracelets at kung anu-ano pa ng manager niya ay wala na rin, pero dati naka-post lahat ‘yun,” sabi ng isang non-showbiz friend namin.

Hirit naman ng nakasama ng sikat na aktor sa isang out-of-town show, “Halata bang hindi gusto ni _____ (sikat na aktor) ka-love team niya? Wala siyang choice kundi magpakitang sweet sila kasi ito ang career nila.” (REGGEE BONOAN)