Naghain si Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao ng panukalang batas na mag-aalis o bubuwag sa contractualization employment scheme o end of contract (endo) sa bansa.

Sa panahon ng kampanya, nangako si Pangulong Duterte sa taumbayan na bubuwagin niya ang contractualization scheme, na tinawag niyang “unfair labor practice and tool of exploitation against the working class.”

Sinabi ni Casilao na ang contractualization o endo ay hindi lamang isang short-term tactic upang mabawasan ang gastos at tubo ng mga employer, kundi para sugpuin ang karapatan ng mga manggagawa na magtatag ng unyon.

“It removes various obstacles to the extreme exploitation of workers which they have won through decades of struggles,” ayon kay Casilao. (Bert de Guzman)

National

‘Para pak na pak!’ Impeachment complaint vs VP Sara, next year na dapat tanggapin – Gadon