Rufa Mae & Erik copy

SANA lahat ng dating magkasintahan ay tulad nina Erik Santos at Rufa Mae Quinto, best of friends pa rin.

Imbitado si Erik Santos sa nalalapit na kasal ng dating kasintahang si Rufa Mae Quinto sa boyfriend nitong si Trevor Magallanes. Ayon kay Erik, personal siyang inimbitahan ni Rufa dalawang linggo na ang nakakaraan.

Kaya nang nalaman ni Erik na guest si Rufa sa It’s Showtime at tiyempo namang nasa ABS-CBN compound siya ay pinuntahan agad niya ito sa studio ng noontime show at nakipagtsikahan sa dating kasintahan, huh!

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Nagkipagkita lang po naman ako sa kanya. Sa totoo lang, sinadya ko talagang pumunta sa backstage to say hello sa kanya. A matter of ilang minutes lang naman ang kuwentuhan naming dalawa. Hayun, tawanan at kamustahan lang,” sey ni Erik.

Nangangahulugan na wala talaga silang dinadalang anumang sama ng loob sa isa’t isa.

Ayon pa sa mainstay ng ASAP ay wala namang kaseryosohan ang pag-uusap nila ni Rufa. Kapag kausap raw kasi niya ang dalaga ay parang hindi seryoso at walang ginawa kundi tumawa lang nang tumawa.

“Kilala n’yo naman ‘yan, kapag nakita mo ‘yan, eh, tawanan lang. At ganu’n lang, sandali lang,” banggit pa ni Erik.

Ang pagkikita ba nilang iyon ni Rufa Mae ang dahilan kaya hindi na sila nagpapansinan ni Angeline Quinto? Nagselos nga ba si Angeline?

“Sa totoo lang, eh, wala naman akong naramdaman na nagselos si Angge. Alam naman niya kung ano ang totoo. Actually lang, eh, bising-bisi siya ngayon sa pelikulang ginagawa niya. Dalawang pelikula ang halos sabay niyang ginagawa ngayon,” sagot ni Erik.

Inamin niya na hindi na ganoon kadalas ang pagkikita nila ni Angeline at pati na pag-uusap at pagpapalitan ng text messages.

“Gusto niya kasi na mag-concentrate sa career niya. Kumbaga, busy siya at ako rin naman, so okay lang ‘yun. But ‘pag medyo nakakaluwag kami at may bakanteng oras, eh, sunud-sunod naman ang pagtitext namin at pag-uusap sa cellphone,” paliwanag pa ng Kapamilya singer.

(Editor’s note: Best of friends din ba kayo, ha, Erik at Angeline?) (JIMI ESCALA)