Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ngayong Martes ng madaling araw.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Hulyo 5, ay magtatapyas ito ng 60 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina at 20 sentimos sa presyo ng kerosene, habang hindi naman nagbago ang presyo ng diesel.

Bandang 6:00 ng umaga naman magpapatupad ng kaparehong bawas-presyo sa gasolina at kerosene ang Shell.

Asahan na ang pagsunod ng ibang oil company sa price rollback sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Hunyo 28 nagtaas ang Flying V ng 75 sentimos sa presyo ng gasolina, 40 sentimos sa diesel, at 35 sentimos sa kerosene. (Bella Gamotea)