LJ AT JUN LANA copy

NAPANSIN naming hindi talaga binati ni Direk Jun Lana si LJ Reyes nang manalong best actress si LJ sa Gawad Urian sa pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan.

Si Direk Jun ang director at producer ng nasabing pelikula na nagpanalo kay LJ ng dalawang best actress awards na ang isa’y sa international film festival pa. Pero dedma ang director sa award ng aktres.

Nagkaroon ng conflict sina Direk Jun at LJ after the movie na lumala nang hindi sumamang mag-promote si LJ kina Luis Alandy at Anthony Falcon sa mga special screening ng movie. Naging open si Direk Jun sa pagpapahayag ng tampo kay LJ.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Si LJ, mas piniling manahimik.

Anyway, busy si Direk Jun sa pagpo-promote ng mga pelikula niyang Die Beautiful movie na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros at Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend. Isa rin si Paolo sa mga bida ng Viva Films movie na tinatampukan naman nina Dennis Trillo at Anne Curtis.

Ipinost ni Direk Jun ang mga picture ni Paolo sa Instagram na kuha sa shooting ng Die Beautiful at talaga namang babaing-babae ito at maganda. May boobs si Paolo sa nasabing pelikula, pero hindi siya nagpa-breast augment, may prosesong ginawa sa kanya ang production team ni Direk Jun para magkaroon siya ng malaking boobs.