KALIBO, Aklan - Isang 25-anyos na biyuda ang nagsampa ng reklamo sa pamunuan ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital matapos umanong pabayaan ng doktor ang kanyang panganganak na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang sanggol.

Ayon sa biktima, 12 oras siyang nag-labor sa nasabing ospital at ipinilit umano ng kanyang doktor na magsilang siya nang normal kahit hirap na hirap na siya. Hiniling niyang isailalim siya sa ceasarian operation, pero tumanggi umano ang doktor.

Isinisisi ng ginang ang pagkamatay ng kanyang sanggol na lalaki sa umanoy kapabayaan ng hindi pinangalanang doktor ng nasabing hospital.

Sinabi naman ng pamunuan ng ospital na mag-iimbestiga ito sa insidente. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman