David at Victoria copy

ESPESYAL ang Hulyo 4 para kina David at Victoria Beckham -- ang kanilang anniversary.

Ikinasal sila noong 1999, at ipinagdiriwang ang kanilang ika-17 na anibersaryo na may kasamang nakakakilig na throwback photos ng kanilang natatanging araw.

Ibinahagi ni David, 41, ang litrato nilang mag-asawa na mukhang seryoso at nakaupo habang isinasagawa ang seremonya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Malayo sa pagiging minimalist-chic na istilo ni Victoria ang kanyang kasuotan na over-the-top strapless gown ni Vera Wang at may korona, habang ang puting tux ni David ay nagpakita ng fashion risks. Ipinaalala rin nila ang pagiging regal at perfectly match sa isa’t isa.

“Wow 17 years ago to this day this happened,” caption ni David mula sa kanyang nakaraang snapshot. “I was lucky to meet someone who has the same drive and wanted the same things in life… We have created 4 beautiful children and I couldn’t wish for a more loving and caring mummy for them… Happy anniversary, I love you.”

Nagbahagi rin si Victoria, 42, ng snap mula sa kanilang espesyal na araw, na nakangiti habang nakayakap sa kanyang asawa.

“I feel so loved and truly blessed,” sulat niya sa Instagram. “My best friend,my love. The kindest man who inspires me every day. Happy Anniversary to the best husband and daddy in the world!! EVER!”

May apat na anak ang mag-asawa – ang mga lalaki na sina Brooklyn, 17, Romeo, 13, Cruz, 11, at anak na babaeng si Harper, 4.

Kamakailan, si Victoria ang nagdisenyo ng wedding gown ng kanyang matalik na kaibagan na si Eva Longoria.

“@evalongoria the most beautiful bride. I am honored to have created your wedding dress X Thank you for asking me!!!

X We love u!” saad ni Victoria sa kanyang Instagram account. (People.com)