Nagsimula nang manungkulan bilang bagong hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) si Chief Supt. Oscar Albayalde kapalit ni Director Joel Pagdilao, sa ginanap na turn-over ceremony sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, kahapon ng umaga.

Si Albayalde ay kaklase ni PNP Chief Director Ronaldo “Bato” Dela Rosa sa PMA Sinagtala Class of 1986.

Sinabi ni Albayalde na sisimulan niya sa Metro Manila ang ipinangakong “change is coming” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Kung kaya sa Davao na maging mapayapa, kaya din sa Metro Manila,” dugtong ng bagong NCRPO chief.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Handa ang NCRPO sa mahigpit na kautusan ng pangulo sa pagsugpo sa ilegal na droga at kriminalidad sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, gaya ng ipinangako ni Pangulong Duterte sa sambayanang Pilipino.

Asahan na ang balasahan sa loob ng NCRPO, lalo na’t uunahing linisin nito ang hanay ng nasasakupang pulisya.

Kabilang sa mahigpit na ipatutupad ang curfew at liquor ban, batay sa ordinansa ng bawat pamahalaang lokal, katuwang ang mga barangay gayundin ang “Oplan Tokhang.” (Bella Gamotea)