DAGUPAN CITY, Pangasinan - Dalawang pangunahing drug personality sa Pangasinan ang napatay matapos na makipagsagupaan ang mga ito sa mga tauhan ng Dagupan City Police sa Green Bee Cottage sa Barangay Bonuan Tondaligan, kahapon ng tanghali.

Sa report na tinanggap mula kay Supt. Ferdinand de Asis, hepe ng Police Community Relations, napilitan umanong gumanti ng putok ang mga pulis matapos na magpaputok ang isa sa suspek, habang naglabas naman ng granada ang isa pa habang nagsasagawa ng buy-bust.

Kinilala naman ni Supt. Christopher Abrahano ang napatay na sina Opay Catungal, number one drug personality sa Malasiqui; at JP Cornel, nasa drug watch list. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog