SUBIC BAY FREEPORT – Isang lalaking Pakistani na wanted sa kanyang bansa dahil sa iba’t ibang krimen, kabilang ang pagkakasangkot sa terorismo, ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Philippine Army, at Law Enforcement Department ng SBMA sa loob ng Subic Bay Freeport Zone nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa mga saksi, nagkaroon ng habulan sa insidente dakong 4:00 ng hapon, ngunit naaresto rin si Muhammad Sharif Malik makaraang maipit sa trapiko sa intersection ng Argonaut Highway at Rizal Highway.

Sinabi ng mga source na tinutugis si Malik sa Pakistan dahil sa mga kaso ng murder, attempted murder, rioting, at terorismo. (Jonas Reyes)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20