ENRILE, Cagayan - Nabubulok na ang bangkay ng isang dalagang estudyante na ilang araw nang nawawala nang matagpuan sa Sitio Birung sa Barangay Liwan Sur sa bayang ito.

Sa panayam kahapon kay PO3 Jeoffrey Gumangan, sinabi niya na nananatiling misteryo ang pagkamatay ni Carina May Torres, 18, estudyante sa high school, at residente ng Bgy. Liwan Sur, Enrile, Cagayan.

Natagpuan nitong weekend ang naaagnas na dalaga ilang metro lang ang layo mula sa kanyang bahay.

Napag-alaman na isang linggo nang hindi umuuwi si Torres.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bagamat wala pang malinaw an motibo sa pagpatay sa biktima, napansin ng pulisya na mistulang pinukpok ito sa ulo.

Bago umalis ng bahay ay napagalitan umano ng mga magulang ang estudyante. (Liezle Basa Iñigo)