Ni REMY UMEREZ

Karla Estrada
Karla Estrada
ISANG male contestant mula sa Kabisayaan ang pinasaya nang husto ni Karla Estrada at wala itong kinalaman sa puntos na ibinigay niya bilang hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa Showtime.

Sa interview portion ng singing contest, nabanggit ng contestant na ikakasal siya sa September 9 at agad nag-offer si Vice Ganda ng wedding singer. Ang siste, parang hindi ito ang mas higit na kailangan ng groom. 

Sa puntong ito casual na inihayag ni Karla na siya na ang sasagot sa gastusin sa reception. Laking gulat at pasasalamat ng kalahok sa hindi inaasahang wedding gift mula sa ina ni Daniel Padilla. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Aba, para na rin siyang idineklarang winner of the day.

Parang second nature na kay Karla ang pagtulong sa kapwa dahil lagi siyang may nasosorpresa sa biglaang pagdedesisyon niya. 

Pangatlo na naming nasasaksihan ang kanyang kabutihang loob. Mayroon siyang binigyan ng scholarship, sinagot ang lahat ng gastusin sa pag-aaral, at ang pangalawa ay tulong financial upang makapagpundar ng munting negosyo.

Hindi kami nagtataka kung bakit patuloy ang pagngiti ng magandang kapalaran para kay Karla na isa sa pinakaabalang Kapamilya celebrity ngayon.