12

Muling ipinakita ng Ifugao ang kanilang patuloy na pagpapahalaga sa kultura at tradisyon sa pamamagitan ng cultural streetdancing na ipinamalas ng 11 munisipalidad sa makasaysayang selebrayon ng Gotad ad Ifugao.

Bukod sa selebrasyong ito, masaya ring ipinagdiwang ang Golden Year anniversary ng lalawigan, noong Hunyo 18. Isang tradisyunal na ritual ang isinagawa ng apat na native priest o mumbaki at inialay ang isang kalabaw at isang baboy.

 

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Ang pag-aalay ng kalabaw, na bagamat napakahalaga sa mga magsasaka sa kanilang pangunahing kabuhayan, ay isang pamamaraan sa pag-aalay sa Maykapal sa isang napakahalagang okasyon bilang pasasalamat sa mayamang kultura at masaganang pamumuhay ng mga Ifugao sa larangan ng agrikultura at turismo.

 

Ang gotad ay local dialect na ang ibig sabihin ay “sama-sama” sa pasasalamat, kasunod ang katutubong sayaw at bigayan ng native wine na bayah.

 

Tampok sa selebrasyon ay parada ng float ng bawat bayan, na naglalaman ng kani-kanilang produkto at sumunod ang makukulay na kasuotan ng bawat tribu, kasabay ang kanya-kanyang sayaw habang gamit ang mga katutubong instrumento na gaya ng gong, wooden drums, kawayang plauta, at marami pang iba.

 

Bukod sa agrikultura at kultura ay mayaman din ang Ifugao sa larangan ng turismo, dahil sa hagdan-hagdang palayan, na ipinagmamalaki ng mga magsasaka.

 

Ang Banaue Rice Terraces ay National Cultural Treasure ng Pilipinas at kinilala bilang 8th Natural Wonder of the World.

 

Noong 1995, kinilala naman ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organizations (UNESCO) bilang World Heritage Sites sa ilalim ng “Rice Terraces of the Philippine Cordilleras” ang Batad Rice Terraces at Bangaan Rice Terraces sa bayan ng Banaue; Mayoyao Rice Terraces; Hapao Rice terraces sa Hungduan at Nagacadan Rice terraces sa Kiangan. (RIZALDY COMANDA)

[gallery ids="179589,179586,179583,179581,179579,179573,179575,179576,179578,179574,179580"]